Sabado, Setyembre 12, 2015

Isang Pangako

"...hindi kailan man maglalaho sa aking isipan ang mga bagay na patuloy na sinasambit at binubulong ng aking  puso..." -Mackupad.

Nakilala kita sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon, nagpasyang magmamahalan at magsasama magpakailanman, at habang tumatagal, ang pagmamahalang na sa atin ay nagbuklod ay patuloy na namumunga at tumitibay. 

Ngayon, kasama na kitang maglakbay at mangarap. kasama na kitang humaharap at haharap sa bawat hamon ng mundo na sa atin ay ibibigay. Ang unang pagkakataon na ako ay magmahal ng ganito at isa lang ang alam kong dahilan - Ikaw ang tinakda at inilaan ng Panginoon para sa akin. Kung kaya't hayaan mo akong sabihing "Mahal Kita!"

Pangako! Mananatili ako sa iyong tabi sa bawat segundo, minuto, oras at araw na lilipas. Sa saya at sa lungkot, sa pughati at sa sarap. 

Pangako! Ipadarama ko sayo ang aking pagmamahal araw-araw, umulan man o bumagyo.

Pangako! Makikinig ako  sa bawat titik, letra at salita na iyong sasambitin. 

Pangako! Mananatili ako sa iyong piling at kailanma'y hindi kita susukuan. 

Pangako! Hihingi ako ng kapatawaran sa mga pagkakataong ako'y magkakamali at ikaw ay patatawarin kung saka-sakali nama'y ikaw ang magkamali. 

Pangako! Darating ako sa panahon na ako'y iyong kakailanganin at lalo na sa mga panahong sasabihin mong hindi. 

At kung saka-sakali naman na ako'y iyong paalisin, Pangako! Mananatili ako sa iyong tabi at samasahan kang maglakad kahit saan mang lupalop tayo mapdpad dahil alam ko na ang totoo ay ayaw mo akong paalisin. 

At kung saka-sakaling dumating ang panahon na ako'y di mo na ibigin. Pangako! Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, mapatunayan ko lang sayo na ako'y nararapat sa iyong pagmamahal. Mananatiling bukal at walang kundisyon ang pagibig na sa iyo ay iaaalay. 

Pangako! Ang pagibig ko ay hindi magbabago at mananatiling tapat at totoo. 

At pangako! Mamahalin kita habang ako ay nabubuhay.